She lost her medal!
May Gad. What a day it is. At humigit-kumulang apat na oras pa lang ang tulog ko, at wala pa ata akong planong matulog. Nu ba kasi nangyari today? Well, nag-volunteer lang naman ang Journ152 Public Relations Class namin sa Pasig River Marathon kanina. We had to be there at 4am so all of us practically didn't sleep, which translates to "lahat kami bangag". So pagdating namin sa venue, hanap agad ng classmates! After a while Ate Lois briefed us on our first assignment, to man the baggage counter booth. Some of us went to the check-in counter to man the station, while most of us did our own pasting of numbers on to different bags.
A little while later, we were transferred to the T-shirt booth. We were supposed to give out shirts to those who have already finished the race. Yung iba nga, aba, hindi pa nag-uumpisa race humihingi na ng shirt, umaambisyon! Aba binigyan nga namin ng straight english, "Sir, I'm sorry but we'll only be releasing shirts after the race." Ayun natahimik. Hehe... Di ata kinaya ang lumelevel-up naming english kuno. =P
Nung umpisa, andali pa ng trabaho eh. Nag-pa-pack kami ng sorta-relief goods para sa tumakbo ng isang milyong milya aka the 42-kilometer marathon race. Eggs, Oranges and Bananas ang nasa bawat loot bag. Madali lang kasi assembly line. But then a few minutes later aba, may tapos na mag-race! Ambibilis! Parang mga may pakpak at lumipad ata yung mga yun eh! So nagkumahog naman kami na bigyan sila ng shirts. May mga tumakbo ng 3K, 5K at 10K at lahat sila bibigyan ng shirt.
So una madali na naman, onti pa lang kasi ang nakakatapos. Tapos maya-maya walanjo, stampede na!!! Talagang nagdagsaan na ang mga tao para kumuha ng tshirt kaya nawala na rin yung sistema namin na iba-ibang lanes for different kilometer races. Yung iba nga nagagalit na samin pag pinapalipat namin sila ng lane, ang haba daw ng pinila nila. Aba sungit! Sarap dunggulin! Sabi ba naman, "It's your job to take care of us, to give us what we paid for. Ang haba ng pinila namin, sabi nila dito daw ang pila, tapos palilipatin nyo kami?!" Aba yung isa ngang manang na kasama namin sinungitan siya. Haha, di nakuha sa sungit, sabi ko na lang "sorry po sir, pero volunteers lang rin po kami dito..." sabay bigay ng shirt at ayun, umalis na ang loko!
Halfway sa pamimigay ng shirts, biglang may umeksenang mahaderang manang na official kuno nung event. Aba at biglang sinugod yung lane namin, tas pinagduduro yung number nung isang racer. Sabi ba naman, "Hala! Hala kayo!! May tatak na received na yan!!! Bakit nyo binibigyan ng shirt?! Yang mga may tatak na yan nabigyan na yan sa school nila ng shirt?!! Bakit nyo binibigyan ulet??!!" Aba at nung una eh nanliit kaming mga sinigawan niya pero maya-maya, natauhan kami, kasi walanjo wala namang sinabi samin na ganun pala yun. Aba, tinaray-tarayan nga namin, lalo na nung si Kuya Rowel na handler namin. Talagang nag-ala ghetto sya, kulang na lang yung finger tsaka body sway and *snap snap snap*. Tapos kumuha pa yung babae ng megaphone to announce nga na di bibigyan yung mga may tatak. Pero tuloy pa rin ang pakikipag-away namin, tas binigyan namin ng isang, "Ate, mga taga-UP kami, hindi naman siguro kami tanga na bibigyan namin yang mga may tatak na yan kung sinabi samin na huwag bigyan diba?!". Pero ayaw magpatinag ng lola mo. Sabi ko nga, "Ate, mag-isa ka lang nagsasabi na nasabihan kami. Lahat kami dito sinasabi sayo HINDI KAMI SINABIHAN." Ayun, takbo na lang ang mahaderang manang dun sa baggage counter.
Edi ayun na nga. ANLAKING trobol. Nagkulang yung shirts na ipapamigay kasi nga naibigay dun sa mga may shirts na pala. CRISIS PR in real time! Talagang hindi namin alam kung pano haharapin yung racers, nawala ang pagka-PR Class at MassComm students namin, kasi talagang hindi namin sila maharap para kaming susugurin at kukuyugin! Eh wala naman kaming magawa, kasi volunteers lang kami. Ginagawa lang naman namin kung ano yung sinabi samin, at kung ano yung hindi sinabi, aba, that's the least of our problems.
Buti na lang separate yung shirts for 42K runners. Dun na lang kami lumevel-up, talagang pag may dumating na 42K runner todo spiel at performance level kami ng "Congratulations on finishing the race!" at "You're. So. Great!" na may complete cheering moves pa, hehe. Talagang di namin pinansin yung mga 'di 42K.
Buti na lang maya-maya, may dumating na official from the event tas sila kumausap. At least tinantanan na kami. Kami kasi talaga yung namumura, eh mga munting angel lang naman kaming walang langit... hehehe...
Pagdating tuloy ni Ma'am Tessa, prof namin sa PR, talagang todo iyak kami sa kanya kuno, hehe... nagsusumbong sa nanay kasi inaaway mga anak nya, hehehe... Sabay sabi, "Ma'am kasi, di pa kami tinuruan ng Crisis PR eh!" Hehe...
After ma-resolve yung conflict, ayun tuloy lang kami sa pagseserve ng 42K runners na talaga namang inubos ang boses at energy naming lahat. I remember distinctly may isang foreigner sabi nya nawala daw yung medal nya. So ako naman sabi ko kay Ma'am Tess, "Ma'am, she lost her medal daw po!" Nyahahahaha riot kasi lalaki yung foreigner. Bumaha tuloy ng dugo sa booth namin galing sa ilong ko. =P
Note lang, grabe talaga energy ng mga taga-MassComm, sobrang taas at sobrang nakakahawa. Grabe. I so love my College. I belong here! Sabi nga nung isang volunteer na kasama namin sa superior nya, "Ma'am, kahapon pa'ko hindi natutulog, pero dahil sa kanila talagang nabubuhayan ako ng dugo!" Awwwww... salamat ate!
Moral Lesson of this experience:
- Madaming asshole sa mundo. Well, di nila kasi naiintindihan yung sitwasyon kaya nagmumukha silang asshole.
- Mahirap mag-volunteer. True. Sobrang totoo. Nagvovolunteer ka na nga lang, kaw pa yung namumura, napapagalitan na akala mo you're not doing a good job. Sabi nung isang racer, "nagbayad kami rito so dapat nakukuha namin yung binayad namin!" Sabi ko na lang sa sarili ko, "kami nga 'di binabayaran eh, pero eto kami naglilingkod sa inyo..." Grabe, no good deed goes unpunished talaga.
- Sa pagvovolunteer, kailangan alam mo na sasabak ka sa isang napaka-physically, emotionally and psychologically draining na task. Buti na lang nanjan ang mga classmates ko na talaga namang they kept my spirit alive despite the many trials and tribulations. Hehe... GO UP MASSCOMM!!!
Hay Lord, salamat sa energy, salamat sa fun-filled day na kahit puno ng tensyon, sobrang enriching na experience naman. Lord, thanks din sa Kuya ko na hinatid at sinundo ako! Salamat po sa araw na'to!
Sa susunod ulit!!! Tsaka na pictures, di pa inuupload ni laurice eh. Hehe...
CLICK KA
WITH JM LAST 2/25/2007 03:59:00 PM
|
|
|
/SHUTTERBLOGGER
I assure you, I smile
better than this
I assure you, I smile
better than that
---------------------------------
Me
is an incoming junior journalism student at
the country's premier
state
university; Me loves writing; Me loves
writing with light
(photography); Me loves blabbering; Me = 18
going on 19; Me thinks me
getting old;
Me ♥ everything random and fun. Üü |
/SHUTTER
THIS WOULD BE MY
PRECIOUS BABY
THAT WOULD BE MY
PRECIOUS BABY
---------------------------------
THERE ARE
JUST SOME THINGS MONEY CAN'T BUY, FOR
EVERYTHING ELSE,
THERE'S A
BANCO DE ORO GOLD CARD, AND THAT'S HOW THIS
BABY CAME ABOUT! IT'S
A KODAK
EASYSHARE C330 BLESSED WITH THE MOST HUMBLE
SPECS BUT TAKES
REALLY
AWESOME PICTURES! (HELLO? JUST LOOK AT
ALL THE PICS IN HERE!!!)
THIS I SHARE
WITH THE MOST WONDERFUL PERSON IN THE WORLD!
Üü |
|