Aktibismo ang sigaw nila

 

Pula o dilaw?

Pero sabi sa kanta ni Bamboo, “Hindi PULA’T DILAW tunay na magkalaban. Ang kulay at tatak ay di siyang dahilan. Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan. At ang hustisya ay para lang sa mayaman” daw. Great. Medyo gusto ko pa naman sana ang color na red. Hehe... =P

Ayun, election na kasi. At 'di lang national at local, may micro-local at nano-local elections din na magaganap. Panahon na rin kasi ng eleksyon sa aking mahal na pamantasan, ang UP Diliman.

Last year, hindi ako bumoto. Puro kasi sa AS ang klase ko, at kailangan sa CMC pa'ko bumoto. Tinamad ako pumunta ng CMC, kaya hindi na lang ako bumoto. P5.50 rin yun noh. Hehe... besides, 'di ko naman talaga kilala yung mga kandidato, mag-aaksaya lang ako ng isang botong wala namang matinding pag-iisip ang ginugol upang maisakatuparan. (shet ang lalim)

Aaaanyway, dalawa ang partidong naglalaban sa CMC ngayon, 'di katulad last year na isa lang ang choice mo at ang choice mo lang talaga eh kung boboto ka o hindi. At least ngayon tao na ang choice, hindi lang "option".

On the RED Corner, ang taun-taon nang lumalaban at masasabing "seasoned" contender na STAND-UP o Student's Alliance for the Advancement of Democratic Rights - UP. Kung pano naging yun ang expanded form ng acronym nila, tanong nyo na lang sa kanila. Hehe... =P

On the YELLOW Corner, ang bagong-bagong ala-Cory na partido na ISA o Interdependent Student-Centered Activism.

Maganda ang plataporma ng dalawa. Although hindi ko tahasang nabasa ang GPOA ng STAND-UP, medyo template naman ang kanilang platform na based sa University SC na palagi namang STAND-UP ang nanalo. So 'di na kaila sa akin kung ano ang pinaglalaban nila.

May pagka-elitist diumano ang plataporma at set-up ng ISA. Hmmm, yes, may inch of truth. Pero matanong ko lang, 'di ba't may pagka-elitist din naman ang students ng masscomm? Kumpara mo naman sa CAL, eh medyo may pagka-pangmataas naman ang mga CMC. Hep hep hep, I'm speaking for myself here, okay? Based on observations lamang po. Pero syempre, dakilang elitista pa rin ang BA. Hehe... =P

Moving on, ang STAND-UP naman kasi medyo may reservations ako dahil na rin sa kanilang University-Wide na mga aksyon. Ang problema kasi, halos lahat na lang ng issue sinasakyan. Okay, okay, I get the point on the iskolar para sa bayan at kailangan makialam ang iskolar, pero para kasing lahat na lang pinakialaman. Masasabi na ngang extreme leftist ang mga ito dahil talagang anti-admin sila. Well, that's trying to speak objectively, ha? When assessing an issue kasi one should look at both ends of the spectrum.

Asked on the TOFI issue, ISA is for TOFI while STAND-UP is, as expected, all-out on being against the said increase. NGUNIT, sabi ng ISA, sa tuition increase lang daw sila pabor, hindi sa other fees, at kailangan daw mas may fullproof plan on implementing it especially yung sa rebracketing ng STFAP.

Ako, ayoko ng kahit anong increase. That's State abandonment. If there's anything to be done, kailangan i-rebracket lang ang STFAP at ichannel ang funds sa talagang may kailangan. Di na kailangan ng TOFI-TOFI na yan!

Ang hirap naman sa STAND-UP, no to TOFI sila ng no to TOFI wala naman silang mabigay na alternate solution sa financial problem ng UP. (Or at least wala akong naririnig) Eh wala na ngang pera eh??! Magpapakasasa na lang tayo sa kawalang-perahan ng UP System? We must do something about it!

Looking at it on a broader perspective, STAND-UP aims to do service to the students by doing it on a broader, national field so that it'll trickle down to the students. ISA, on the other hand, would like to start with the students so that they can effect national change. Ang tanong, ano ang mas effective?

Sa tingin ko, mas maganda kung sisimulan ang serbisyo sa mismong mga constituents ng mga opisyal. Kaya nga sila STUDENT council eh, 'yun ay para paglingkuran nila ang mga estudyante. Ang kanilang mandate ay UNA sa estudyante BAGO sa sambayanang Pilipino.

So am I pro-ISA? Just like in any elections, one cannot vote straight. Let's just say I'm still contemplating on who to vote as chair (sayang talaga never ko nakita mag-campaign ang STAND-UP with their "Hi, I'm John Mark JM Tuazon blah blah blah" trademark spiel. Sayang din kasi di ko sila ma-compare, mag-base na lang tuloy ako sa GPOA ng both parties.

Sa palagay ko, maganda ang mga plano ng ISA para sa kolehiyo. Medyo ambitious nga lang at I doubt na magagawa nilang lahat yun. Mukhang wala pang masyadong alam ang isa nilang journ rep, hehe. Ah basta, heto ang mga iboboto ko:

Chair: Wala pa. I've "known" Bikoy through his blog for quite a long time. Si Karol naman, CMC-er talaga, lively, upbeat at mukhang okay. Hehe... pero 'di daw lahat ng sinabi nya last year eh natupad nya as CMC rep this year. Hmmmm... sino ang mas magiging effective? Abangan.
Vice-Chair: Martha Teodoro. Hehe... pamangkin kasi ni Sir Teodoro! Jok lang. I've seen Martha. Magaling siya. As in. =P
Secretary: Yung sa ISA. Forgot her name eh. Groupmate ko kasi yung sa STAND-UP, and medyo talagang na-turnoff ako sa kanya. As in.
Treasurer: Jali Fernando(?). Batchmate eh. Hehe...
Journ Rep: Carlos Maningat and Elsie Cansino. Blockmate ko yung isa eh, hehe. Si Elsie naman, halatang magaling. Yung isang journ rep ng STAND-UP, medyo 'di ko trip. Magaling naman pero 'di ko talaga trip. Yung isa naman ng ISA, parang walang alam, pa-cute lang. Hehe... =P
CMC Rep: Sorry Mikas, I might have to go with Ayeen Malolos on this one... Magaling siya. Naging classmate ko siya sa 101 last sem.

So yun. Ikaw, sinong boboto mo? 'Di nako tatamarin this time dahil sa March 6, Tuesday na ang botohan. May klase ako sa CMC nun. Hehehehe... =P

Vote wisely! (not stupidly)


CLICK KA WITH JM LAST 3/04/2007 11:37:00 PM         0 Comments

/SHUTTERBLOGGER

I assure you, I smile better than this

I assure you, I smile better than that

---------------------------------

Me is an incoming junior journalism student at the country's premier state university; Me loves writing; Me loves writing with light (photography); Me loves blabbering; Me = 18 going on 19; Me thinks me getting old; Me ♥ everything random and fun.  Üü

 

/SHUTTER

THIS WOULD BE MY PRECIOUS BABY

THAT WOULD BE MY PRECIOUS BABY

---------------------------------

THERE ARE JUST SOME THINGS MONEY CAN'T BUY, FOR EVERYTHING ELSE, THERE'S A BANCO DE ORO GOLD CARD, AND THAT'S HOW THIS BABY CAME ABOUT!  IT'S A KODAK EASYSHARE C330 BLESSED WITH THE MOST HUMBLE SPECS BUT TAKES REALLY AWESOME PICTURES! (HELLO?  JUST LOOK AT ALL THE PICS IN HERE!!!)  THIS I SHARE WITH THE MOST WONDERFUL PERSON IN THE WORLD!  Üü

 

/BLOG

 

Recent Entries

Ü  The attack of the killer goo
Ü  My One Ring
Ü  She lost her medal!
Ü  Itanong nyo na lang...
Ü  Who da Monster?!
Ü  Indecent Exposure
Ü  The anatomy of a dumbass
Ü  Starting Anew

 

In other news...

 

 

/MULTIPLIED

 


 

/BLOGNETWORK

 

 

 

COPYRIGHT /SHUTTERBLOG 2007  ©  SOME RIGHTS RESERVED